Paglimot na may kasamang SAKIT

I

Madalas napapanaginipan kita

Sabik na sabik na akong mayakap ka

Ang puso kong sawi ay nangungulila 

Di matanggap na may mahal ka ng iba.
II

Sakit at poot ang aking nadarama

Di ko akalaing mahal parin kita

Sinaktan mo ang damdamin ko ng sobra

Iniwan mo ako para sakanya.
III

Bakit ba ganun, ikaw parin talaga

Ang labis kong minamahal, aking sinta

Ang puso kong durog ay namamanhid na

Di ramdam ang pag-ibig mula sa iba.
IV

Ikaw ay parati kong naalala

Lalo na ang asaran nating dalawa

Sana’y ikaw ay makalimutan ko na

Kasama ng sumpaan nating dalawa.

“I don’t know why they call it heartbreak. It feels like other part of my body is broken too.”